sa mata ng isang uuhuging baboy

  • madamdamin

    mataba

    maunawaan

    maintindihn

    balahura

    palasak

    mapagmasid

    malaman

    at higit sa lahat mapagmahal
  • Search:

  • Browse the Archive
    Subscribe via RSS

 

  • May 13, 2011

    “kami na po”

    masandaltulog:

    di ko alam sa mga tao kung gusto nilang talunin ang headlines ng INQUIRER o ng Titik sa paglalantaran ng relasyon lalo na sa internet. oo kay sarap ng pakiramdam pag may natutuwa na may kasintahan ka na. o “proud” ka na “kayo na.” aba kahit naman siguro sino sa panahon ngayon eh ipaglalantaran mo lalo na ang hirap maka jackpot. sa papalit palit ng mga magnobyo at magnobya eh parang galing lang sa ukay-ukay na damit ang mura at ang dali lang mapalitan.

    marami akong kakilala lalo magtetext “wala na kami” o “nagbreak na kami”. minsan makikita mo sa facebook nag change ng relationship status. tapos bukas bukas makikita mo magkasama at naglalampuchungan na naman. sasabihin sayo di namin natiis ang isat isa eh. pagka like mo o comment sa change relationship status after 5 minutes in a relationship na naman. ilang beses kaya sila inire ng magulang nila sa kulet. minsan di na lang ako umiimik tatanungin ko totoo na ba talaga yan?

    kaya ako natatawa ang natitimangan ako sa mga taong ganto. di mo alam kung anong trip. nakasinghot ba ng rugby o nakalagok ng baygon? di mo alam kung ano ba gusto nila palabasin. gusto ba nila makakuha ng opinyon? nakalambat ng simpatya o nagpapapansin lang talaga. 

    oo gets ko naman na natural mag-away. nagkaroon ng tampuhan. aba package deal yan sa relasyon parang bumili ka ng hamburger eh natural may kasamang tinapay yan. di mo maalis ang mga bagay na di maiiwasan. pero ito ay iyong mapipigilan.

    isinapubliko mo? harapin mo ang mga kaakibat na mga consequences nito. wag tayong maging masyadong sensitive sa kung anong sasabihin ng iba? bakit? nung natutuwa sila patungkol sa mga kilig moments nyo eh aminin mo man o hindi nadidiligan din ang ego mo. pero pag may problema na parang ayaw mo makarinig ng kahit anong komento. di mo maiiwasan na may masabi sila. eh pinaalam mo eh. maging handa ka lang dito. aanhin mo ang sinasabi ng kapwa mo eh alam mo naman ang totoo.

    may mga bagay kasing mas makakabuti kung idadaan sa kibit balikat na lamang. pansamantalang isawalang bahala ang di importanteng bagay. ayusin ang dapat ayusin linawin ang malabo. kesa sayang ang laway at pagtipa sa mga walang kwentang salita. ituon ang panahon at oras para iresolba ang problema.

    sayang lang sa kuryente lang ang ginagawa mo pag ganyan.

    (Source: kiyayepoicalvo)

    1 year ago
     
  • May 3, 2011

    tagu-taguan

    “tagu taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod wala sa harap. pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo. isa, dawala, tatlo….. siyam, sampu! Game?” 

    “boom Merin, boom Aaron, boom, Nardo!”

    yang ang pangkaraniwang kataga na maririnig natin habang mag nagtatagu-taguan. pag sosyal ka hide and seek. sa totoo lang di ko magets talaga ang punto ng laro na ito. nagtatago nga eh so lahat ba ng nagtatago eh hahanapin ba talaga natin? ewan simula’t sapul wala akong ka tyaja tyajang mag hanap ng isang tao na ayaw naman magpakita. ewan parang timang lang kasi para sa akin. sayang sa energy ba. ang ginagawa ko na lang pag ako yung taya sa laro na ito magkukunwari akong maghahanap pero malapit ako sabase tapos sasabayan ko ng mataimtim na dasal na sana maurat at mainip sila sa pinatataguan at sabay sila na mismo lalabas o sisilip kung hinahanap nga sila. sabay“BOOM!”  o di pa panalo ang estratehiya.

    minsan na isip ko ano ba ang significance o value pag ang isang taong nagtatago? ginagawa ba nila ito para tumakas panandalian. sumagi ba sa isip nila na kaya ginagawa nila ito eh para malaman nila kung ano halaga nila at kung may maghahanap ba sa kanila? o sadyang papampam lang. maaring kanya kanya silang dahilan. pero para sa kanila kailangan nilang gawin ito. pakialam mo ba kung bakit basta gusto lang nila.

    kahit anong pilit mo kakahapa sa isang tao kung ayaw magpakita eh di talaga yan magpapakita kung pursigido sila. aba di madali yun ah lalo na kung matindi ang seeking skills ng naghahanap. parang si Sen. Ping Lacson. nangpucha yan ang tindi! naka libot na sa ibang bansa sa isang taon. eh para san pa yung mga naghuhunting sa kanya. di mo alam kung magaling talaga lang siya o pulpol yung naghahanap.o di ba di naman siya na hanap, lumitaw siya ng kusa.

    para sa akin nasa sayo iyan kung gusto mo talaga gawin ang pagtatago. ikaw mismo sa sarili mo ang makakasagot kung gusto mo lumayo at magkubli sa isang lugar na para sayo eh makakabuti. maaring marami kang iwan at talikuran. kagaya ng mga bagay na nakasanay, mga importanteng tao. o mga pagkakataon na palalampasin. minsan kahit kaano pa kahalaga ang mga ito. para sayo gusto mo mapag-isa gusto mo kalimutan muna ang lahat. at pag dumating na ang tamang oras ikaw na mismo ang lalabas sa pinagkakataguan mo. di na nila kailangan pang hanapin ka.

    maging handa ka nga lang sa “BOOM!”

    wag ka magugulat kung ikaw na ang maging susunod na taya

    tara! taguan na tayo…

    1 year ago
     
  • May 2, 2011

    ano ba talaga teh?

    “anong gagawin ko?”

    “ano sa tingin mo?”

    “tama ba eto o mali?”

    ilang lang ito sa palagian nating itinatanong lalo na sa panahon na tayo ay gulong-gulo. ang mga katanungin ito ay naglalaro sa ating isipan at pakiramdam natin kailangan masagot. maaring itanong mo ito sa bespren, sa kapatid, o sa taong pinagkakatiwalaan mo. pero ang tanong nanghihingi ka ba ng sagot, opinyon o sadyang gusto mo lang marinig o may sumang ayon sa desisyon mo.

    ako rin naranasan ko ito. yung pakiramdam na may gusto kang gawin. pero di ko alam kung tama ba ito o mali. na litong lito ako pati buhok ko pinagdidiskitahan ko. di ka mapakali na parang siniliaban yung pwet ko. lakad dito, upo dun, hinga ng malalim kuyumos mukha tapos ganun ulet. tapos naghanap ako ng makakausap. inilabas ko yung sa loobin ko sa dulo nagtanong. eh di syempre yung kausap ko magsasabi ng kung ano tingin nila. pero sa dulo nag jujustify at irarationalize ko yung sitwasyon. pag dating sa dulo di pa rin nasasagot tanong ko. wala parang sayang lang sa laway ang ginawa namin.

    ano ba talaga ang punto pagtayo ay nakikipagusap at na lalabas ng hinanakit? kailangan ba talaga natin ng sagot? o kailangan lang natin ilabas ang nasasaloob? o sadyang ignorante lang tayo at nagtatanga tangahan at alam naman natin kung ano gusto nating gawin nababahag lang ang ating bunto. 

    sa totoo lang sa tingin ko walang tama o maling desisyon. siguro meron lang tama o madaling solusyon. nagiging madali ito dahil ang mga bunga ay sadyang kaya nating dalhin, madaling matanggap at sa mata ng iba ito ang tama. kaya madali itong piliin. nagiging tama naman ang isang desisyon pag ikaw ang gumawa nito. na kahit ano bunga o idudulot nito ay kaya mong panindigan at sabihin sa sarili na akin ito! desisyon ko ito! wala akong sisisihin kung di ang sarili ko. na mahirap, masakit o sadyang di kantanggap tanggap sa nakakarami kaya mo pa rin tumayo. matatagalan man o hindi pero alam mo kaya mo at wala kang pagsisihan.

    para sa akin ano mang ang desisyon mo patungkol man ito sa trabaho, sa pamilya, sa eskwela, o pag-ibig man. gawin mo ang bagay na kung ano ikakagaan ng kalooban mo. piliin mo ang desisyon na kung ano sa tingin mo gusto mo talagang gawin. dahil kahit milyon milyong tao ang magpayo sayo. milyon milyon man ang magkumbinsi sayo iisa lang ang tatanggap ng mga bunga nito. iisa lang ang maapektuhan talaga nito. iisa lang ang tunay na magiging masaya pag tayo ng lahat ng ito.

    ang iisang tao na yun ay IKAW…

    ngayon, ano ng gagawin mo? 

    (Source: kiyayepoicalvo)

    1 year ago
     
  • April 26, 2011

    pagtatapat…

    siyepoicalvo:

    “honesty is the best policy”

    simula nung bata pa ako (oo tang na wag mo na isipin kung gaano na katagal yun) eh naririnig ko yan. sabi nga dati ng nanay ko mag sabi lang daw ako ng totoo. sinubukan ko nung minsan mabasag ko  yung figurine nya nung nag ala Hector Calma ako sa loob ng bahay namin ayun tinamaan ng bola ng basketbol ayun palo sa pwet abot ko. akala ko pa naman pag umamin ako di ako mapapagalitan o mapaprusahan. 

    ewan minsan talaga mahirap magsabi ng katotohan. nauunahan siguro tayo ng takot. maari rin kasi di nila maiintindihan. o dahil lang mahilig ka magpalusot at ayaw harapin ang mga bunga ng ginawa mo.

    meron nakapagsabi sa akin na paggagawa ka ng katarangaduhan wag na wag kang papahuli at pagnahuli ka wag na wag kang aamin. sa totoo lang di ko alam kung applicable to maaring di lang talaga natin tanggap ang mga bunga ng ating mga gawa o ayaw lang natin aminin na nagkamali tayo.

    ganun din ata sa isang relasyon. di natin talaga maiwasan di magsabi ng katotohan. o magsabi man tayo parepareho lang ikaw nasasaktan. halimbawa aminin mo di ka naging tapat makaksakit ka. di mo aminin tapos nalaman nakasakit ka rin. pero ang tanong kasi ano ang mas masakit? ano ang mas madaling mapatawad? ano ang may matutunan.

    wag nating gawin dahilan ang pagiging tao. na nagkakamali tayo. talo pa nito ang lumang tsinelas na pudpod na patuloy pa natin ginagamit. dapat lang talaga sa bawat pagkakamali may natutunan ka at tinatama ito. walang masama magsabi ng katotohanan. aminin at harapin ang mga maaring idulot nito. 

    nagawa mo nga bakit di mo maamin?

    (Source: kiyayepoicalvo)

    1 year ago
     
  • April 21, 2011

    anong saysay ng “and they lived happily ever after.”

    siyepoicalvo:

    kung di ka man lang napagbigyan magka “Once upon a time…”

    (Source: kiyayepoicalvo)

    1 year ago
     
  • April 15, 2011

    siyepoicalvo:

    “gising na malalate ka na sa trabaho/school?”, ready ka na ba? “malapit na ako sunduin na kita”, “happy anniversary, mahal”

    nakakamiss talaga sabihin yan mga salitang yan. yung mga sandali na di mo akalain na mahalaga kagaya ng nakaupo kayo sa banko sa ilalim ng punong mangga nagkwewkentuhan. yung ililibre mo siya ng pamasahe sa fx o sa jeep. bibili kayo ng lumang libro. maghuhungting kayo ng damit sa ukay-ukay. 

    yung mga sandali na akala mo wala lang. di importante at di mahalaga. pero pagnagiisa ka na. natapos na ang lahat saka mo maiisip yun pala yung mga bagay na di mo makalimutan. yun yung mga bagay na hinahanap mo at pilit binabalikan.

    minsan kailangan na lang talaga nating isipin na. pansamantala mawawala itong mga tagpong to. para sa susunod na muli kang mapagbigyan ng pagkakataon. pahahalagan mo ito. di importante kung para sa luma o bago. ang mahalaga di mo na ito isasawalang bahala.  

    (Source: kiyayepoicalvo)

    1 year ago
     
  • March 10, 2011

    nung minsan may nagsabi sa akin na”ganun ganun lang nakalimutan mo na siya?” dati naman “ano ba yan, hoy! ang tagal na nun di ka ba rin ba makalimot?”

    pag naririnig ko yan mga ganyang salita o kahawig na linya eh gusto ko na lang sabihin… “putang ina! ikaw na ikaw na ang healthy ang coping mechanism! subukan mo kaya lumugar sa kinalalagyan ko!”

    bakit ba minsan ang hilig ng tao na i-relate ang nangyari sa kanila sa mga bagay-bagay. kagaya ng kanta, mga text message kwots o mga pelikula ni John Lyod Cruz. meron din inihahalintulad ang pangyayari sa mga karanasan ng iba. di ko alam kung tama ba ito o mali pero para sa akin iba ibang sitwasyon iba iba rin ang resulta. maaring magkahawig pero kahit kailan hindi ito magiging magkawangis.

    lahat ng bagay ay kailangan dumaan sa proseso. di importante kung gaano kahaba o katagal ito pero kinakailngan lang talaga duman ito dito. di naman lahat pwede sa isang iglap maayos na lahat. di naman sa maikling panahon eh nakalimot na. e di sana wala nang trabaho si Papa Jack at di na na benta mga lab songs. 

    wala mang sino dito sa mundo ang makakapagsabi kung kelan tayo magiging totoong okay. sana nga meron guide book, tutorial para isang Google lang masasagot na lahat nang katanungan para makalimot at masabing okay na ako…. ready na ulet magmahal. pero hindi. kahit sarili natin mismo di natin talaga alam kung ano na talaga lagay natin.

    pero maniwala ka man o hindi dadating ang isang umaga na pagkagising mo mapapangiti ka na lang at masasabing okay na ako.

    di ito dala ng panahon, di dulot ng alala, di dahil sa ibang tao.

    dadating at dadating lang ito…

    kaya ikaw kung nasasaktan ka ngayon, nalulungkot, nalilito… wag kang mag-alala… maayos ang lahat… isipin mo na lang kasama ito sa proseso…

    at maganda ang magiging resulta nito…

    1 year ago
     
  • March 9, 2011

    lahat naman ng bagay dito sa mundo eh kumplikado…

    ang pagkakaiba lang eh kung paano mo ito papa-simplehin…

    1 year ago
     
  • March 8, 2011

    di naman talaga natin nakakalimutan ang mga taong dati nating minahal…

    natatabunan lang ang kanilang mga alala ng mga bagong karanasan at mas matinding pagmamahal sa iba…

    1 year ago
     
  • March 3, 2011

    N.A.R.S.

    Nagoyo

    Akala

    Rarami

    Salapi

    1 year ago
     
  • February 24, 2011
    1 year ago tanong ka? hingi nang payo? kahit ano... handa akong sumagot ngayon...
     
  • February 22, 2011

    bon appetit

    dadating talaga sa punto ng buhay mo na mapagtatanto mo na may mga desisyon ka sa buhay na masasabi mo na sana di na lang yun ginawa. pero may mga pagkakataon din na magagalak ka kasi yun ang naging desisyon mo. at lahat ng tinatamasa mo ngayon ay bunga ng desisyon mo na yun.

    masama man pero di mo pa rin maiiwasan magkumpa. ng mga tao naging parte ng buhay mo. at ng mga tao parte ngayon ng buhay mo. nung nakaraan nakausap ko ang isa sa mga babaeng naging importante sa buhay ko. nagkamustahan kami. balitaan nag update kung ano pinagkakabalahan. umabot sa tanong na kamusta ang buhay pag-ibg at ano ang nangyari sa amin.

    nakakatawa man isipin o nakakaasar man sa kadahilanang di mamataymatay ang  isyu na balikan. di na rin talaga mangyayari yun. maraming dahilan. marami na rin ayaw sa kanya bilang kapareha.

    siguro iba na lang talaga ang talaga ang hanap ko ngayon. maaring nahanap ko na pala yun hinahanap ko noon.

    para lang yang nung bata pa tayo. na paborito mo ang pritong manok. na halos kahit araw-araw mo to kainin. okay na sayo solb ka na.

    eh nagkataon na nagsawa ka na at nakatikim ng mas okay na putahe. mas masarap, mas ma sustansya, mas panalo sa panlasa.

    parang ngayon lang. aanhin ko ang pritong manok. kung meron na akong kare-kare.

    1 year ago
     
  • February 8, 2011

    PALARUAN…

    may mga batang nagtatakbuhan. meron din nagpapadausdos papababa sa padulasan. mga batang pataas baba seesaw. nakaupo sa swing habang may nagtutulak palakas ng palakas. eto ang pangkaraniwang makikita mo sa isang palaruan. masasayang halakhak at tinig ang namumutawi sa hangin. mga batang punong-puno ng galak at saya. sa bawat pagtakbo, pagpapadausdos, at paglalaro makikita mo sa mga mata nila na parang ayaw nila matapos ang bawat sandali. mistulang isang paraiso para sa kanila.

    marami din sila nakikilala. di importante kung anong tunay mong pangalan. kung saan angkan ka nagmula. ano ang kulay ng iyong balat o pinapasukang paaralan. kung anong suot mo damit. pag magpakakilala ang mga bata sa kapwa nila sa palaruan pangalan lang okay na. minsan pagbago ka, ikaw pa ang aayain nila maglaro.

    pwede ka maging kahit sino. pwede mo ipagmalaki na kaya mo tong gawin. pwede ka rin maging isang superhero. bida sa kwentuhan. pinakamabilis tumakbo pinaka magaling maglambitin, o sikat dahil kilala ka na ng lahat dahil palagi kang andun at regular na nakikita sa plaruan. na lahat ng pagpapakilala mo ay pwede kang paniwalaan.

    di naman perpekto palagi ang mga pangyayari sa isang palaruan. meron din na pagkakataon na nagkakatulakan. meron din nagkakabalyahan. unahan sa tutok ng padulasan. o bangayan na dahil lamang sa maliit na bagay. may mga magkakalaro na nagkakatampuhan. kampi-kampihan. sigawan, siraan at di pagkakaunawaan.

    pero pagsapit ng dilim. oras na para umuwi. bumalik sa realidad. sa totoong buhay. mga gawain na ginagawa ng isang ordinaryong bata. magsusuot ng uniporme at papasok sa eskwelahan, gagawa ng takdang-aralin, uutusan ng magulang, papatulugin sa tanghali, pipiliting kumain ng gulay, papaluin pag nagkamali at kung ano pa.

    ang gantong eksena ay mahahalintulad ko sa buhay sa internet. mistulang isang malaking palaruan ang mundo ng internet. di mo kailangan ipakilala ang tunay mong pagkataon. parang isang bata sa isang palaruan, pwede kang maging kahit sino. marami kang makikilala. iba’t ibang personalidad. tatanggapin ka ng ibang kalaro. meron ding di magkakagusto sayo. makakatanggap ng magagandang komento. parang mga bata sa palaruan gagawan ka ng di magandang kwento at di na makikipaglaro sayo ang ibang bata. meron din magagaling magsulat kagaya ng mga bata sa palaruan na hari or reyna sa takbuhan na paborito at gustong maging kakampi ng lahat. pag dating sa mundo ng internet pwede ka maging kahit sino. parang bata sa palaruan na bida-bida at tinitingala ng iba. meron din grupo grupo na aawayin ang ibang blogger kasi may kinanti na kakilala nila. parang sa palaruan kampikampihan na pag nagkaaway-away na. meron din bully na ginagawan katatwanan ang kamalian ng iba. parang yung pinaka malaking bata sa palaruan na tinutulak tulak ang mga malilit na bata.

    pero sa huli parang sa isang palaruan kailangan din matapos ang lahat. babalik din sa realidad ang mga tao sa mundo ng internet. may trabaho, pamilya at responsabilidad. paminsan minsan nakakatuwa maglaro. malayo sa realidad. maging iba sa paningin ng iba. maging bida. mapagusapan. at may makilala.

    wag magpapaapekto sa buhay internet. wag masasaktan sa mga masasamang salita na matatanggap. sa mga taong nanakit at di makaunawa. parang sa isang palaruan. pagayaw mo na pwedeng umuwi. o pwede lumipat ng ibang palaruan.

    1 year ago
     
  • January 31, 2011
    di porket isinantabi mo ang isang problema eh mawawala or masusulusyonan na ito… 1 year ago
    uhugingbaboy

    (Source: uhugingbaboy)

     
     
  • kung may lalandiin man ako…

    tanging ikaw lang nasa listahan ko…

    (Source: siyepoicalvo)

    1 year ago
     
Next →
Theme tumblosx by Jon García - Powered by Tumblr